212 - Ang Buhay Ko'y Tanggapin

Ang buhay ko'y tanggapin
Ngayo'y inihahain;
Ang kamay ko'y kilusin
Ng pag-ibig Mong tambing,
Ng pag-ibig Mong tambing.

Paa ko'y patulinin
Kung sa Iyo ang dahil;
Tinig ko'y paawitin
Sa Hari kong darating,
Sa Hari kong darating.

Sa bibig ko'y ilagay
Sugo ng kalangitan;
Ginto't pilak ko'y laan
Hain sa Iyong tunay,
Hain sa Iyong tunay.

Puso ko't kalooban
Ngayo'y ibinibigay
Upang mapanahan
Ng Espiritung Banal,
Ng Espiritung Banal.

Ang pag-ibig ko, Jesus,
Sa 'Yo'y ibinubuhos;
Sarili ko'y Iyo na
Magpasawalang-hangga,
Magpasawalang-hangga.

0:00 0:00